^

Probinsiya

2 Nigerian at 1 Pinay, tiklo sa bank fraud

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Nigerian national at kasabwat nilang Pinay sa pagwi-withdraw ng malaking halaga na pag-aari ng isang Indian national na na-hack ng mga suspek, ang account, kamakalawa ng hapon.

Unang nadakma ang Pinay na suspek na si Gladys Rias Francisco, 47, ng Carmona Cavite sa loob ng bangko na aktwal na kinukubra ang halagang P400,000.00 sa account ng biktimang si Surjan Singh Kathait, 45, may-asawa, ­negosyante.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa branch manager na si Ms. Ma. Victoria Marquez ng China Bank San Pedro, Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna, alas-2 ng hapon  hinggil sa hindi umano’y may isa silang customer na kumukubra ng P400,000.00 sa pangalan ng account ng biktimang si Kathait.

Nabatid na nauna ng naireport sa China Bank ang biktima na umano’y na-hack ang bank account at may nakapag-withdraw na ng mahigit sa P1 milyong piso kung kaya pansamantala nitong ipina-hold at ini-report.

Sa pagresponde ng pulisya sa nasabing bangko, dito nila naabutan ang suspek na si Francisco na siyang tangkang mag-withdraw ng nasabing halaga.

Sa follow up ng pulisya, naaresto rin ang 2 pang kasabwat na suspek na sina  Samuel Nomso Esomchi, 40; at  Taye John Bamidele, kapwa Nigerian national sa Petron San Pedro at  Robinsons Galleria South at narekober sa mga ito ang halagang  P1,400,000.00 na kakawithdraw lamang ng mga suspek mula sa account ng biktima.  - Ed Amoroso

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with