^

Probinsiya

3 nasawi, 3 sugatan sa banggaan sa Antipolo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 nasawi, 3 sugatan sa banggaan sa Antipolo
Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nakilala ang mga nasawi na sina Renal Mosende Jr., Nico Jesuitas at Maria Dimaligalig na pawang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang aksidente ang magkasunod na naganap sa Antipolo City, Rizal na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong katao at pagkasugat ng tatlong iba pa, kamakalawa.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nakilala ang mga nasawi na sina Renal Mosende Jr., Nico Jesuitas at Maria Dimaligalig na pawang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ang mga sugatan ay sina Tommy Dimaligalig, Edmon Carvajal, at Christian Rongales na pawang nilalapatan na ng lunas sa magkakahiwalay na pagamutan.

Sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, ang unang aksidente ay naganap dakong alas-4:40 ng madaling araw ng Agosto 8 sa Sumulong Highway malapit sa Green Land Subdivision sa Brgy. Dela Paz.

Habang minamaneho ni Mosende ang isang motorsiklo, angkas si Rongales at binabagtas ang Sumulong Highway nang pagsapit nila sa Dela Paz Village ay bigla na lang nadulas at sumemplang ang kanilang sasakyan sanhi upang kapwa sila tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada.

Ang motorsiklo ay bumangga rin sa motorsiklong sinasakyan naman ng isang Kevin Guitoria.

Ang mga biktima ay kapwa isinugod sa pagamutan ngunit binawian ng buhay si Mosende.

Samantala, dakong alas-10:20 ng umaga nang maganap ang ikalawang aksidente sa Olalia Road, Brgy. dela Paz, Antipolo City.

Minamaneho umano ng isang Henry Martin ang isang Isuzu 6-wheeler closed van na may plakang NBE 5794, nang mawalan ito ng preno habang tinatahak ang isang pababa at pakurbadang bahagi ng naturang kalsada patungo sa Marcos Highway.

Inararo ng closed van ang salansan ng mga hollow blocks at 10 pang ibang behikulo sa lugar, kabilang ang motorsiklong minamaneho ni Tommy Dimaligalig, na angkas si Maria Dimaligalig, at motorsiklong minamaneho ni Jesuitas, na angkas naman si Carvajal.

Kaagad na binawian ng buhay si Jesuitas habang namatay rin si Maria nang isinusugod sa pagamutan.

RIZAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with