Miyembro ng PNP-SAF dedo sa sariling baril

Ayon sa mga pulis na sila ay nakarinig ng putok mula sa barracks at nang kanilang puntahan ay nakita nila ang biktima na si Police Corporal John Paul Dayang Alintana ay duguang nakabulagta sa sahig at isa ng patay.
STAR/ File

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Isang miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang na­ma­tay sa kanyang sariling baril sa loob ng  kampo ng Police Regional Office-12, nitong Miyerkules.

Ayon sa mga pulis na sila ay nakarinig ng putok mula sa barracks at nang kanilang puntahan ay nakita nila ang biktima na si Police Corporal John Paul Dayang Alintana ay duguang nakabulagta sa sahig at isa ng patay.

Inatasan ni Brig. Gen. Alexander Tagum, director of PRO-12, ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Show comments