Parak itinumba ng nakamotorsiklo

Kinilala ang biktimang si Patrolman Hariz Jhun M. Adayo, 26, nakatalaga sa Don Marcelino Municipal Police Station,residente sa Cadena De Amor St, Poblacion 1 Bansalan, Davao del Sur.
STAR/File

MATANAO, Davao del Sur, Philippines — Isang pulis ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na nakamotorsiklo, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Patrolman Hariz Jhun M. Adayo, 26, nakatalaga sa Don Marcelino Municipal Police Station,residente sa Cadena De Amor St, Poblacion 1 Bansalan, Davao del Sur.

Batay sa ulat ng Matanao Municipal Police Station, alas-7:13 ng umaga nang maganap ang krimen sa Purok 1, Barangay New Visayas, Matanao, Davao del Sur.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungong Hagonoy at pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang siyang hinarang ng suspek sakay ng kulay itim na Yamaha-Nmax at agad na pinagbabaril.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima habang ang gunman ay tumakas sa direksyon ng Hagonoy. Itinakbo sa ospital ang biktima,subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Show comments