MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang nasa 13 classroom ng La Sallete of Quezon sa Quezon, Isabela, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SFO3 Limberto Morales Jr., Fire Marshal ng BFP Quezon, alas-6:30 ng gabi nang humingi ng tulong sa kanila ang isang bata na nakakita na nasusunog na ang gusali ng eskwelahan.
Agad itong narespondehan, subalit mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang gusali dahil sa may kalumaan na rin ito.
Nadamay ang school canteen kasama ang apat pa na silid-aralan ng nasabing Catholic school.
Sa ngayon ay inaalam ang kabuuang halaga ng pinsala sa nasunog na paaralan.