^

Probinsiya

Mister niratrat sa duyan, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister niratrat sa duyan, todas
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi noon din ang biktimang si Nolito Naval Nazarrea, may asawa, magsasaka at residente ng Zone-4, Brgy. Bonbon, Libon.
STAR/ File

LIBON, Albay – Dead-on-the spot sa ibabaw ng duyan ang isang mister matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Zone-4,Brgy.Buga ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi noon din ang biktimang si Nolito Naval Nazarrea, may asawa, magsasaka at residente ng Zone-4, Brgy. Bonbon, Libon.

Sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon nagpapahinga ang biktima sa ibabaw ng duyan nang biglang sumulpot sa harap nito ang hindi nakilalang gunman.Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ng suspek gamit ang hindi malamang kalibre ng baril ang nabiglang biktima. Makaraan ang pamamaril ay kaswal lang na tumakas ang suspek.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with