Top 1 ‘most wanted’ sa Las Piñas, nalambat

Walang piyansa na ­inirekomenda ang korte para sa MWP na na­kilalang si si Jayson Yacat Manlapat, alias “Justine”, 35-anyos, meat vendor, residente ng nasabing lugar.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Nadakip ng Cavite Police ang nasa Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng Las Piñas City Police sa isinagawang pagsalakay sa pinagtataguan nito sa Green Gate Homes Phase 2, Malagasang 2-B, Imus City kamaka­lawa ng hapon.

Walang piyansa na ­inirekomenda ang korte para sa MWP na na­kilalang si si Jayson Yacat Manlapat, alias “Justine”, 35-anyos, meat vendor, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng operasyon ang Cavite Police katuwang ang Las Piñas Police laban sa suspek dakong alas-5 ng hapon.

Bitbit ang warrant of arrest para sa kasong “murder” na inisyu ni Judge Harold Cesar Huliganga ng Regional Trial Court, Branch 254, Las Piñas City na “no recommended bail” laban sa suspek.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan ng mga pulis at ngayon ay nakapiit sa Station Custodial Facility ng Las Piñas.

Show comments