Suspek sa pagpatay sa 3 miyembro ng pamilya sa Pangasinan, naaresto

SAN QUINTIN, Pangasinan, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa tatlong miyembro ng pamilya sa Barangay Lagasit, dito kamakalawa.

Sa ulat ng Police Provincial Office, nadakip nitong Abril 23 ang suspek na Dexter Lichauco, 24-anyos, jobless, close relative ng mga biktima na nakilalang si Crystalin Ogaco, 36; Ashley Morante, 10, at Jacob Morante, 6, pawang mga residente ng naturang barangay.

Bago ang krimen, pinagbabato ng suspek ang bahay ng biktimang si Lichauco na nakunan ng CCTV camera na naka­kabit sa nasabing tirahan.

Tinangka ng suspek na kunin ang CCTV foo­tage na ebidensya ng pangha-harass nito pero nabigo umano siya na naging dahilan upang lalong magalit kaya pinagsasaksak ang mga biktima.

Pinapurihan naman ni Col. Richmond Tadina, Pangasinan Police director, ang kanyang mga tauhan sa kanilang agarang pagkakaaresto sa suspek upang ma­bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

Ang mga criminal offenders aniya ay walang puwang sa kanilang lalawigan,

Show comments