^

Probinsiya

No. 1 ‘wanted’ sa Calabarzon, nalambat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nalambat ng mga otoridad ang isang miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) at numero uno sa listahan ng mga wanted na kriminal sa rehiyon ng Calabarzon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ni P/Col. Joel Villanueva, hepe ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), nadakip ang suspek na kinilalang si Jesus Abetria alyas “Ka Barry/Puti,” 60-anyos, ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Philippine Army ganap na alas12:15 ng tanghali noong Huwebes sa Barangay Salipsip Polio, Quezon.

Pitong taon na umanong nagtatago si Abetria matapos masangkot kasama ang apat pang kasapi ng NPA sa pagpatay kay Army Private First Class Alpasain Ikan sa Barangay San Vicente, Gumaca, Quezon noong 2014.

Si Abetria ay nahaharap sa kasong murder sa Regional Trial Court Branch 172 sa bayan ng Gumaca, Quezon mula noong Mayo 3, 2021, at walang inirekomendang piyansa ang korte, at bilang numero uno sa listahan ng mga wanted na kriminal sa Calabarzon ay mayroong P100,000 cash reward para sa ikadarakip ng suspek.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with