Person of interest’ sa rape-slay ng 19-anyos sa Palawan, tukoy na

Ayon kay P/Major Loreto Maulion, Mimaropa Police spokesperson, lumalabas sa pag­susuri sa katawan ng biktimang si Beverlyn Ampan na ang sanhi ng pagkamatay nito ay “Asphyxiation Secon­dary Strangulation” habang nakumpirmang ginahasa rin siya ng di kilala suspek matapos lumabas na positibo ito sa “spermatozoa”.
STAR/ File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Isang “person of interest” sa panggagahasa at brutal na pagpatay sa isang 19-anyos na babae ang hawak na ng pulisya at sumasailalim  ngayon sa imbestigasyon sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay P/Major Loreto Maulion, Mimaropa Police spokesperson, lumalabas sa pag­susuri sa katawan ng biktimang si Beverlyn Ampan na ang sanhi ng pagkamatay nito ay “Asphyxiation Secon­dary Strangulation” habang nakumpirmang ginahasa rin siya ng di kilala suspek matapos lumabas na positibo ito sa “spermatozoa”.

“We have now a person of interest, how­ever, we can not divulged the details and perpetrator of the crime is remain identify yet since the investigation was ongoing,” ani Maulion.

Magugunita na na­diskubre ng isang residente si Ampan habang patay at hubo’t hubad na nakahandusay sa damuhan sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City, noong Sabado ng alas-7 ng umaga.

Huling nakita ang biktima sa bus terminal upang makipagkita umano sa isang tao at hindi na nakabalik sa kanilang tahanan.

Show comments