_ngayon
^

Probinsiya

3 ‘holdaper’ ng motor riders, nalambat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tatlong lalaki na pawang suspek sa panghoholdap ng mga motorcycle riders ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos madakip sa magkahi­walay na lugar sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Santiago City Police ang mga nadakip na sina Mack Jay Venturina, 28, construction worker; PeeJay Venturina, 34, dating courier, kapwa ng Brgy. Abra, Santiago City, at Randy Ignacio Andres, 46, construction worker ng Diffun, Quirino.

Sa ulat, nakatanggap ang pulisya ng impor­masyon kaugnay sa pagkakilanlan sa dalawang suspek na nangholdap sa dalawang express ri­ders na nahagip ng CCTV camera sa lungsod na ito noong Enero 5, 2022.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang pinagsanib na puwersa ng City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office, Police Station 1 at Police Station 2 na nagresulta sa pagkakadakip ng tat­long suspek.

Unang nadakip ang dalawang Venturina sa Purok 5, Brgy. Abra dakong alas-7:00 ng umaga nitong Martes habang si Andres ay nahuli sa Purok 6, Brgy. San Isidro sa kalapit na bayan ng Diffun.  

Narekober sa pag-iingat ng tatlo ang tinatayang nasa P120,000 cash at mga appliances na binili nila gamit ang kanilang tinangay na pera. Nakumpiska kay Andres ang isang 9mm pistol na may lamang limang bala at isang granada habang isang replica ng caliber 45 na baril at isa pang gra­nada ang nakuha kay Peejay Venturina. 

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with