_ngayon
^

Probinsiya

70-anyos na makikipaglibing, itinumba

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GUIMBA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 70-anyos na lolo makaraang pagbabarilin ng riding­-in-tandem habang nakahinto ang biktima sa trapiko sa kahabaan ng Guimba-Talugtug Road sa Purok 7, Barangay Cavite ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Guimba Police ang biktima na si Ernesto de Guzman, may-asawa, isang magsasaka at resident ng Purok 1, Brgy. Faigal, nasabing bayan. 

Habang patungo ang biktima sa libing ng yumao nitong kaibigan sakay ng motorsiklo nitong Bajaj na walang plaka, nang mahinto pansamantala ito dahil sa mabigat na trapiko, dakong alas-9 ng umaga.

Dinikitan umano ang biktima ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo saka pinapu­tukan nang malapitan.

Matapos ang pamamaril, agad na sumibad palayo ang dalawang suspek patungo sa town proper ng bayan ng Talugtug, NE. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. 

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with