^

Probinsiya

Bulacan vaccination binisita ni Galvez

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan vaccination binisita ni Galvez
Dinagsa ng mga residente ang huling araw ng national vaccination o “Bayanihan Bakunahan” ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna kahapon.
Kuha ni Geremy Pintolo

MALOLOS CITY , Philippines —  Binisita ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang isinasagawang “Bayanihan Bakunahan” sa Bulacan.

Ito ay bahagi ng 3-day National Vaccination mula Nobyembre­ 29 na nagtapos kaha­pon, Disyembre 1.

Dito ay iniulat ni Gov. Daniel Fernando sa kalihim na nasa 62,280 ang nabakunahan sa unang araw sa 98 vaccination sites sa buong lalawigan. Ang nasabing bilang ay dumagdag sa 2,675,067 mil­yong Bulakenyo na na­baba­kunahan na.

Sa naturang kabu­uang bilang, nasa 1,506,821 milyong Bulakenyo ang nakakuha ng unang dose habang nasa 1,168,246 milyon ang fully vaccinated.

Sa kasalukuyan, nasa 3,316, 486 milyong doses ang naibaba na ng Department of Health sa lalawigan mula noong Marso 2021.

Ayon kay Galvez, masasabi nang tagum­pay ang tatlong araw na Bayanihan Bakunahan sa buong bansa dahil sa mataas na turn-out ng mga karaniwang ma­mamayan na nais magpabakuna.

Inabisuhan din ni Gal­vez­ ang mga pamahalaang lokal na maghikayat ng mas marami pang mga volunteers at magtayo pa ng karagdagang vaccination sites.

Ito’y bilang paghahanda para sa naka­tak­dang Round 2 ng Ba­yanihan Bakunahan sa Disyembre 15 hanggang 17.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with