Outing sa beach nauwi sa trahedya: 1 patay

BAGUIO CITY , Philippines — Patay ang isang lalaki matapos malunod nang mag-outing ang grupo nito kasama ang mga kaanak sa isang beach sa Barangay Ili Sur, San Juan, La Union noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Aries Valdez, 20-anyos na residente sa naturang barangay.

Sa imbestigasyon ng San Juan Police, habang nagsu-swimming si Valdez kasama ng mga kaibigan at mga pinsan nang higupin ng tubig pailalim at hindi na lumutang.

Mabilis na humingi ng tulong ang grupo ng biktima kaya rumesponde ang mga lokal na surfers sa beach.

Isa sa mga rescuers ang nakahatak sa katawan ng biktima paahon sa malalim na dagat.

Walang malay ang biktima nang madala sa pampang at sinubukang i-revive at dinala sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang patay.

Show comments