_ngayon
^

Probinsiya

GenSan trader pinatay ng mag-aama

John Unson - Pilipino Star Ngayon
GenSan trader pinatay ng mag-aama
Ang biktima na nasawi noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Jeram Gonzales Alimana, 35, na kung saan ay nasugatan din ang 7-anyos nitong anak na lalaki.
PSN/File

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad ang mag-aama sa pagbaril at pagpatay sa isang negosyante, kamakalawa sa Barangay Sinawal ng lungsod na ito.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Jeram Gonzales Alimana, 35, na kung saan ay nasugatan din ang 7-anyos nitong anak na lalaki.

Kinilala ni P/Major Patrich Elma, chief of the Makar Police Station ang mga suspek na sina Enrique Bilbao at dalawa nitong anak na sina Angelo at Ronnie na kapwa nakakulong na.

Batay sa ulat, sakay ng sasakyan ang mag-amang Alimana pauwi sa kanilang bahay sa SM Village, Barangay Sinawal nitong Miyerkules ng gabi nang pahintuin ng mga suspek at walang ka­abug-abog na pinagbabaril.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ng pamilya Bilbao ay may matagal nang alitan ma­tapos na magsampa ng kaso si Alimana laban sa isa sa mag-aama.

Nabatid na isa-isang naaresto ang mag-aama sa isinagawang police operation sa bulubunduking lugar ng Barangay Sinawal at umamin ang mga ito sa pagpatay.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with