_ngayon
^

Probinsiya

Bading nanghipo ng kainuman, binoga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bading nanghipo ng kainuman, binoga
Bandang alas-7 ng umaga kahapon ng matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Zaldy Custodio na may mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na umano’y bading matapos itong pagbabarilin ng umano’y hinipuang lalaking kainuman sa Brgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Bandang alas-7 ng umaga kahapon ng matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Zaldy Custodio na may mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) IV A, ang insidente ay inireport sa mga awtoridad ni Charlie Comia, residente sa lugar matapos nitong madiskubre ang nakabulagtang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Sitio Cocona, Brgy. Pahinga Norte sa bayan ng Candelaria.

Base sa imbestigasyon, noong Biyernes ng gabi ay nakita pang nakikipag-inuman ang biktima sa dalawang kabataang lalaki sa lugar.

Agad namang inimbitahan sa himpilan ng pulisya ang dalawang kabataan kabilang ang isang alyas Mark na ­inamin ang krimen.

Sa salaysay ni Mark, naimbiyerna umano siya sa biktima dahil sa palagi siyang hinihipuan ng nasabing bading. Ayon kay Mark makulit umano ang suspek kapag nalala­sing na.

Sinabi ng suspek na dahil hindi tumitigil ang biktima sa panghihipo sa kaniya ay umalis siya at kumuha ng baril at pagbalik nito sa inuman ay niyaya ang biktima sa masukal na bahagi at doon pinagbabaril.

Ang isa pa nilang kainumang menor-de-edad ay siya namang testigo sa nangyaring krimen.

Nasa kustodya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with