Away lupa: Utol dinedbol ng Kuya

LABO, Camarines Norte, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 43-anyos na magsasaka matapos pagtatagain ng kanyang nakatatandang kapatid makaraang mag-away sa lupa sa Purok-3, Brgy. Malatap ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Naliligo sa sariling dugo at patay na nang abutan ng mga rumes­pondeng pulis ang biktimang si Christopher Non Avila, dahil sa malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang suspek na si Allan, 47-anyos, kapwa may-asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi dahil sa iringan sa lupang sinasaka ay nagkaroon ng komprontasyon ang magkapatid na nauwi sa suntukan hanggang sa nakakuha ang suspek ng itak at pinagtataga ang naka­babatang kapatid na agad nasawi.

Show comments