Lalaki na may kasong rape sa Parañaque, naaresto sa Cavite

MANILA, Philippines — Nalambat ng pulisya ang itinuturing na top 2 most wan­ted ng Parañaque City sa isinagawang warrant ­operation ng mga ito kamakalawa ng hapon sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Amancio Eresmas, 64,residente ng Bella Vista, Brgy. Santiago, ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na ulat, alas-4:00 ng hapon nang magkasa ng warrant ­operation ang pinagsanib na puwersa ng District Anti Carnapping Unit and Intelligence Division, AC, DACU, DID/D2 at General Trias City Police sa Bella Vista Subdivision matapos mamataan ang suspek kung saan ito tumutuloy.

Bitbit ang warrant of arrest para sa kasong rape and acts of lasciviousness na inisyu ni Hon. Jaime M. Guray, Presiding Judge of RTC Br. 260 Parañaque City ay tinungo ng grupo ang tinutuluyan ng suspek at inaresto.

Show comments