Bangladesh trader dedo sa tandem

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Shajad Miah, Bangladesh national.
STAR/ File

LIPA CITY, Batangas, Philippines — Isang negosyanteng Bangladesh ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Shajad Miah, Bangladesh national.

Batay sa ulat, alas-7:45 ng gabi ay nakaupo sa labas ng kanyang opisina ang biktima na matatagpuan sa Brgy. 5 ng lungsod nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang una.

Kahit na nasugatan ay nagawang makatakbo ng biktima, subalit siya ay hinabol ng mga suspek at nang makorner ay muli siyang pinagbabaril hanggang sa tuluyang masawi.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa biktima.

Show comments