^

Probinsiya

Sekyu patay sa pamamaril

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

ORION, Bataan, Philippines — Isang sekyu ang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek sa Brgy. Gen. Lim ng bayang ito,kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dennis Escudero,38-anyos.

Sa ulat, bago naganap ang krimen,bandang  alas-5:15 ng hapon ay sakay ng kanyang motorsiklo ang  biktima at pauwi na sa kanyang bahay nang  sundan ng salarin hanggang sa makarating sa gate ng kanilang bahay at doon na ito pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek.

Hustisya ang sigaw ng misis at anak sa pagpatay sa kanilang haligi ng tahanan ng walang kalaban-laban.

Isa umano sa tinitingnang anggulo ng pama­ maslang ay posibleng may kaugnayan sa usapin sa lupa.

ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with