Comelec pinaboran ang electoral protest sa Lipa City

MANILA, Philippines — Tinawag na “huge victory” ng kampo ni Lipa City mayoral bet Bernadette Sabili para sa Lipeños ang desis­yon ng Commission on Elections (Comelec) second division kaugnay sa mga iregularidad sa pirma ng mahigit sa 15,000 voters noong May 2019 elections.

Sa desisyon kamakailan ng Comelec, pinapayagan nito ang electoral protest ni Sabili para ituloy ang natitirang 196 clustered precincts na subject ng protesta.

Sa kabila nito, nag­hain ng motion to withdraw ang abogado ni Sabili na si Atty. George Garcia sa Comelec 2nd Division na humihikayat na itigil ang review ng natitirang protested precincts dahil na rin sa findings sa 49 pilot precincts kung saan nadiskubre na mayroong iregularidad.

Si Sabili ay nakakuha ng 76,511 kabuuang boto laban sa incumbent Lipa city Mayor Eric Africa na may 78,109 boto noong May 2019 elections.

Maybahay si Sabili ng three-term Lipa City mayor ng kasaluku­yang Undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development na si Usec Meynard Sabili.

Show comments