_ngayon
^

Probinsiya

P13.6 shabu narekober sa buy-bust ops sa Sulu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P13.6 shabu narekober sa buy-bust ops sa Sulu
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Elea­zar, naaresto sa ikinasang operasyon ang umano’y drug dealer na si Yahiya Kadjuri na ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy naman ang pursuit operation laban sa dalawa pang nakatakas na kasama ni Kadjuri na sina Nur­dalyn Sang at Tua Putol.
Joven Cagande, file

MANILA, Philippines — Umaabot sa P13.6 milyon ang  halaga ng  shabu na nakumpiska nang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Buanza, Indanan, Sulu.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Elea­zar, naaresto sa ikinasang operasyon ang umano’y drug dealer na si Yahiya Kadjuri na ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy naman ang pursuit operation laban sa dalawa pang nakatakas na kasama ni Kadjuri na sina Nur­dalyn Sang at Tua Putol.

Nabatid na nagsa­gawa ng surveillance ang mga otoridad hinggil sa drug operation ng mga suspek sa lugar bunsod ng mga intelligence report.

Dito na ikinasa ng mga otoridad ang anti-drug operation dakong ala-1:00 ng hapon no­ong Martes sa Barangay Buansa, Indanan, Sulu.

Nakuha sa mga suspek ang 2 kg. ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon, 20 bundles ng boodle money na P1,000 at marked money na P1,000.

Apela ni Eleazar, sa publiko agad na ipag­bigay-alam sa PNP ang mga kahina-hinala sa kanilang komunidad. Ibeberipika nila ito bago isagawa ang operas­yon.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with