_ngayon
^

Probinsiya

Naaagnas na bangkay ng COVID-19 patients, iniimbestigahan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Naaagnas na bangkay ng COVID-19 patients, iniimbestigahan
Ito ang napag-alaman kay DOH-Calabarzon director Eduardo Janairo sa panayam ng mga mamamahayag matapos na ipalabas sa isang kilalang TV network ang video foo­tage ng isang bangkay na inuuod na sa loob ng body bag katabi ang ilan pa gayung may kautusan ang Department of Interior and Local Gov’t (DILG) at DOH na ang mga namatay sa COVID patients ay kailangang ma-disposed sa loob lamang ng 12-oras.
STAR/File

Nadiskubreng nakatengga sa ospital sa Quezon province

LUCENA CITY , Philippines — Iniimbestigahan ng Department of Health (DOH)-Calabarzon  ang mga nadiskubreng bangkay na naaagnas at nakatengga sa isang bahagi ng Quezon Me­dical Center (QMC) sa lungsod na ito.

Ito ang napag-alaman kay DOH-Calabarzon director Eduardo Janairo sa panayam ng mga mamamahayag matapos na ipalabas sa isang kilalang TV network ang video foo­tage ng isang bangkay na inuuod na sa loob ng body bag katabi ang ilan pa gayung may kautusan ang Department of Interior and Local Gov’t (DILG) at DOH na ang mga namatay sa COVID patients ay kailangang ma-disposed sa loob lamang ng 12-oras.

Sinabi ni Dir. Janairo na ang gusto ng karamihan sa mga kaanak ng namamatay sa COVID- 19 virus ay ma-cremate ang bangkay ng mga ito. Gayunman, dahil sa kakulangan ng crematorium sa lalawigan ay puwede rin ‘aniyang i-seal sa body bag ang mga bangkay, gayundin ang ataol na paglalagakan sa mga ito saka ilibing.

Ang QMC ang panlalawigang ospital ng Quezon na pinamamahalaan ni Dr. Rolando Padre at nasa ilalim ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Governor Danilo Suarez.

Sa isang panayam, naghugas naman ng kanyang kamay si Dr. Padre at itinuro ang DILG at mga lokal go­vernment units bilang responsable sa umano’y pagpapabaya sa mga bangkay.

Sa kabila nito, hindi naman itinanggi ni ­Suarez ang nangyaring insidente na ang dahilan umano ay sa pagdagsa ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 hanggang sa abutan ng pagkamatay sa ospital. Gayunman ay agaran naman nila umanong ginawan ng aksyon.

Samantala, sinabi ng mga residente rito na maituturing anila na isang malaking kahihiyaan at dagok sa pangasiwaan ng ospital, lalo na sa lokal na pamahalaan ng pro­binsya ng Quezon ang kapabayaan na ito.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with