Evacuation center ng mga katutubo nasunog

MANILA, Philippines — Natupok ang mga kabahayan na ginawang evacuation centers ng mga katutubo sa mga nagdaang lindol sa pro­binsya ng Cotabato, ka­makalawa.

Ayon kay M’lang MDRRM Officer Bernardo Tayong ll, tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Sitio Biao Barangay Esperanza, M’lang, Cotabato. Karamihan aniya sa mga bahay na nasunog sa lugar ay pag-aari ng mga tribong inilikas matapos ang nagdaang sunud-sunod na lindol sa probinsya.

Dahil sa gawa sa mahihinang materyales ang mga bahay ay mabilis itong nilamon ng apoy at halos hindi na inabutan ng mga nagrespondeng pamatay sunog.

Bago ang pagliyab ng malaking apoy ay narinig ng mga katutubo ang isang putok at doon na nag-umpisa ang sunog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-M’lang) sa nangya­ring sunog.

Show comments