4 illegal loggers, timbog ng DENR

Nakumpiska sa isinagawang operasyon ng DENR-ELEPS kasama ang Kalinga Provincial and Community Environment and Natural Resources, DENR-Cordillera Administrative Region, at DENR’s Anti-Illegal Logging Task Force (AILTF) ang mga ilegal na pinutol na puno ng acacia at chainsaw.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga elemento ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang apat na umano’y illegal loggers sa bayan ng Tabuk, Kalinga.

Nakumpiska sa isinagawang operasyon ng DENR-ELEPS kasama ang Kalinga Provincial and Community Environment and Natural Resources, DENR-Cordillera Administrative Region, at DENR’s Anti-Illegal Logging Task Force (AILTF) ang mga ilegal na pinutol na puno ng acacia at chainsaw.

Ayon kay Secretary Roy A. Cimatu, ang operasyon ay nagpapakita lamang ng katatagan at tiyaga ng DENR kahit na may banta ng Covid-19.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Vincent Dalanao, Archie Cadalina, Victor Manya-aw at Fioni Tamaw na takdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree (PD) 705 o  Chainsaw Act of 2002.

Show comments