_ngayon
^

Probinsiya

4 miyembro ng NPA sumuko

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga , Philippines — Nagbalik-loob sa pamahalaan ang ang apat na miyembro ng  New People’s Army (NPA) at isinuko ang kanilang mga armas sa Bongabon, Nueva Ecija,kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Reandrew Rubio, commander of the Philippine Army’s 91st Infantry Battalion, na ang pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng patuloy na paghihikayat ng  local government unit at  security forces sa mga rebelde na magbagong buhay at bibigyan ng tulong ng pamahalaan.

Kinilala ang mga nagsisuko na sina  Ariel Tumenez, alias Ka Smith, na isinuko ang kanyang improvised .45-caliber rifle, improvised 12-gauge shotgun, at hand grenade; Meraljane Vigilia, alias Ka Vincent, ng  Militia ng Bayan - Komiteng Larangang Guerilla Sierra Madre (MB KLG Sierra Madre; Dianne Cruz, alias ka Leslie, na miyembro din ng Sierra Madre unit na isinuko ang kanyang  12-gauge shotgun; at Adrian Salcedo, alias Ka Joma, ng  MB Sandatahang Yunit Sierra Madre.

Ang mga nagsisisuko ay may makukuhang benepisyo mula sa  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with