^

Probinsiya

Motor salpok sa truck: 1 dedo, 3 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa truck: 1 dedo, 3 pa sugatan
Namatay noon din dahil sa matinding mga sugat sa katawan si Albert Cater Rombano, 17-anyos, residente ng Brgy. Salvacion.
STAR/File

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang backrider ng motorsiklo habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyan sa kasalubong na trak sa natio­nal highway ng Brgy. San Roque ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Namatay noon din dahil sa matinding mga sugat sa katawan si Albert Cater Rombano, 17-anyos, residente ng Brgy. Salvacion.

Sugatan namang isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City ang 17-anyos driver ng motorsiklo na itinago sa pangalang Angelo at mga angkas na sina Francisco Rombano at Judy Ann Rombano, kap­wa residente ng Brgy. Maycatmon, Milaor.

Sa ulat, dakong alas-11:25 ng umaga mabilis na binabagtas ng Skygo motorcycle na minamaneho ni Angelo habang angkas ang mga Rombano nang pagda­ting sa naturang lugar ay nawalan ng kontrol sa manibela ang una kaya napunta sila sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa kasalubong na Isuzu Canter Mini Dump truck (XAT-264) na minamaneho ni David Ipo Jr., 43, ng Brgy. Fabrica, Calabanga.

Sa lakas ng pagkakabangga, sugatang tumilapon ang lahat ng sakay ng motorsiklo habang dead-on-the spot si Albert.

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with