_ngayon
^

Probinsiya

14-anyos nasapol ng elisi ng bangka, patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
14-anyos nasapol ng elisi ng bangka, patay!
Hindi na naisalba ng mga manggagamot sa Ala­bat Island District Hospital dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Ronnel Pelin, estudyante at residente ng Barangay Pagkakaisa.
STAR/ File

PEREZ, Quezon, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng tatlong magkakaibigan makaraang mamatay sa tama ng elisi ng motorized banca ang isa sa kanila na 14-anyos na lalaki sa Brgy. Bagong Silang ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot sa Ala­bat Island District Hospital dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Ronnel Pelin, estudyante at residente ng Barangay Pagkakaisa.

Batay sa ulat ng pu­lisya, sakay ng motorized banca na may tatak na “Gemma” ang biktima at dalawang kaibigan matapos na mag-picnic at patungo na sa pampang dakong alas-3:30 ng hapon.

Habang nasa karagatang sakop ng Brgy. Bagong Silang ay big­lang nawalan ng panim­bang sa pagkakaupo ang biktima at tuluyang nahulog sa tubig.

Hindi naman nagawang iiwas ng operator ng bangka na si Jomar Rodelas ang kanilang sinasakyan at aksidenteng tinamaàn ng elisi ang binatilyong biktima. Nagtulung-tulong silang iahon ang biktima sa tubig at mabilis na dinala sa ospital pero makalipas ang ilang sandali ay idineklarang patay ng mga manggagamot.

BAGONG SILANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with