^

Probinsiya

Dahil sa pagdami ng COVID-19 patients 2 ospital sa Lucena City nagdeklara na ng ‘full capacity’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa pagdami ng COVID-19 patients 2 ospital sa Lucena City nagdeklara na ng �full capacity�
Nagpaskil na ng karatula sa entrance ng Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, Cavite na nagsasabing “full capacity” na ito sa mga pasyente dahil sa pagdami ng COVID-19 cases sa bansa na umabot sa mahigit 22-libo kahapon.
The STAR/Miguel de Guzman

LUCENA CITY, Philippines — Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod na ito, nagdeklara na ng “full capacity” o puno na ng mga pasyente ang dalawang pribadong pagamutan dito.

Sa public advisory ng Mount Carmel Diocesan General Hospital na ipinoste sa social media, “full capacity” na ang kanilang COVID ward at Emergency Room kung kaya’t inaabisuhan nila ang mga pasyente na nakararanas ng mga sintomas ng CO­VID-19 na sa ibang ospital na lamang magpa-admit.

Nagpalabas rin ng advisory sa publiko ang Lucena United Doctors Hospital and Medical Center para sabihin na “full capacity” na rin ang kanilang COVID units at beyond capacity naman ang kanilang Neonatal Intensive Care Units.

Batay sa latest COVID-19 bulletin ng City Public Information Office kahapon ng alas-10:00 ng umaga, mayroong 408 na COVID-19 active cases sa lungsod matapos maitala ang 22 na bagong kaso.

Ang lungsod ng Lucena ang bukod tanging may mga kumpletong pasilidad sa ospital sa buong lalawigan ng Quezon na kayang magbigay ng serbisyo sa mga taong tinatamaan ng sakit na dulot ng COVID kaya’t ito ang destinasyon ng mga ambulansya lulan ang mga pasyenteng tinamaan ng nasabing sakit.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with