_ngayon
^

Probinsiya

Traffic enforcer na kinasuhan sa pagposas sa vendor, itinumba

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcer na kinasuhan sa pagposas sa vendor, itinumba
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police provincial director ang biktima na si Mario Domingo alias “Bangis”, nakatalagang traffic enforcer sa nasabing bayan.

STA. MARIA, Bulacan, Philippines — Agad nasawi ang isang traffic enforcer na nakasuhan dahil sa pagkasawi ng isang vendor matapos niyang posasan, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police provincial director ang biktima na si Mario Domingo alias “Bangis”, nakatalagang traffic enforcer sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng hapon habang nakaupo sa may harapan ng isang laundry shop si Domingo at namamahinga lang sandali nang biglang sumulpot ang dalawang ‘di kilalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at agad siyang pinagbabaril.

Tinamaan ng tatlong tama ng bala ng cal .45 pistol ang biktima na siyang tumapos sa kanyang buhay.

Agad na sumibat palayo ang mga suspect lulan ng isang kulay itim na 125 TMX motorcycle na walang plaka matapos ang pagbaril sa biktima.

Nauna rito, ayon kay Col. Esmael Conde Gauna, hepe ng Sta. Maria Police, sinampahan nila si Domingo ng kasong homicide noong Hulyo 4 nang illegal na posasan nito ang isang vendor na agad-agad na inatake sa puso at namatay.

Kalalaya lang umano ni Domingo mula sa kulungan noong Hulyo 13 at muling bumalik sa duty bilang traffic enfor­cer sa Brgy. Caypombo nang siya ay paslangin ng hinihinalang mga berdugo. 

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with