_ngayon
^

Probinsiya

No.1 ‘most wanted’ sa Region 2, huli sa Cavite

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nadakip ng mga operatiba ng pulisya ang Number 1 most wanted person (MWP) sa buong Cagayan Valley (Region 2) matapos matunton sa kanyang pinapasukang trabaho sa Rosario, Ca­vite kamakalawa.

Sa report ng Police Regional Office 2 (PRO2), nakilala ang akusado na si Edwin Garduque Ramento, 36, tubong Lablabig, Claveria, Cagayan at pansamantalang nakatira sa Brgy. Silangan Uno, Rosario, Cavite.

Ayon kay P/Col. ­Andree Abella, hepe ng PRO2 Information Office, si Ramento ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Apayao, Claveria at Rosario, Cavite Police, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Seferino Andaya ng Regional Trial Court Branch 26, sa Apayao  noong Nob. 15, 2012 sa kasong murder.

Si Ramento ang ­itinuturong pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay  sa isang Marciano Yadao sa Brgy. Barocboc, Sta. Marcela, Apayao noong Agosto 1, 2012. Natunton siya sa tulong ng ilang impormante ng pulisya matapos mamataan sa pinapasukang gasolinahan sa Rosario, Cavite.

WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with