_ngayon
^

Probinsiya

2 nangangalakal ng bote at bakal inutas ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines — Patay ang dalawang nangangalakal ng bote at bakal kabilang ang isang babae matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sitio Omar, Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gilbert Hipolan, 50-anyos ng Poblacion 3, Pigcawa­yan, Cotabato at Cynthia Blazo, 23, ng North Manuangan, sa nasabi ring bayan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, pauwi na ang mga biktima pasado alas-4:00 ng hapon sakay ng Bajaj motorcycle na may sidecar lulan ang mga nakalakal na mga bakal at bote mula sa Simuay Bridge at tinahak ang daan patungo sa Sitio Omar nang big­lang salubungin sila ng bala mula sa dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo gamit ang kalibre 45 na pistola.

Nagtamo ng matin­ding tama ng bala ng baril sina Hipolan at Blazo na sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with