3 BIFF members sumuko

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa tropa ng militar sa South Upi, Maguindanao nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni AFP Western Mindanao (AFP-Westmincom ) Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., dakong alas-3:30 ng hapon nang sumuko ang tatlong bandido sa tropa ng 57th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Isinurender din ng mga bandido ang isang M1 garand rifle na may isang clip at pitong rounds ng bala, isang carbine rifle na may isang magazine na may 14 rounds ng bala,  isang cal. 45 pistol na may isang magazine at pitong rounds ng bala.

Ayon naman kay Col. Eduardo Gubat, commander ng 603rd Infantry Brigade ang mga nagsisuko ay mula sa Bungos faction.

Show comments