2 ‘top most wanted’ ng Cagayan nadakma

Kinilala ni P/Lt. Adree Abella, information chief ng Police Regional Office-2 ang nadakip na mga wanted na sina Marlon Supatan, 40, re­sidente ng Brgy. Curva Pamplona at No. 2 sa listahan ng most wanted persons-provincial level, at Jaime Bassi, 57, ng Dumpao, Iguig at No. 3 most wanted naman sa buong lalawigan.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ina­resto ng mga awtoridad ang dalawang tinagu­riang “top most wanted person” sa lalawigang ito sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya, ayon sa ulat kahapon. 

Kinilala ni P/Lt. Adree Abella, information chief ng Police Regional Office-2 ang nadakip na mga wanted na sina Marlon Supatan, 40, re­sidente ng Brgy. Curva Pamplona at No. 2 sa listahan ng most wanted persons-provincial level, at Jaime Bassi, 57, ng Dumpao, Iguig at No. 3 most wanted naman sa buong lalawigan.

Ayon sa ulat na nakarating sa PRO2, si Supatan ay dinakip ng mga awtoridad sa Sitio Pila, Brgy. Catmon, Sta. Maria, Bulacan matapos ang 12-taong pagtatago dahil sa kasong murder, batay sa warrant of arrest na ipinalabas ni dating Judge Leo Reyes ng Regional Trial Court (RTC), Branch 12 noong May 28, 2009.

Dinakip sa hiwalay na operasyon si Bassi matapos magtago ng 20-taon sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta sa Rizal dahil din sa kasong murder batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni dating RTC Branch 33 Judge Francisco Donato noong Marso 29, 2001. 

Show comments