_ngayon
^

Probinsiya

20 NPA umatake sa Bataan: 1 patay

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
20 NPA umatake sa Bataan: 1 patay
Tinatayang nasa 20 na miyembro umano ng Komiteng Larangang Gerilya (KLG) West-South Party Committee (SPC) ang nakasagupa ng Strategic Air Command (SAC) ng Armed Forces of the Philippines habang nagsilbing blocking force ang Phi­lippine National Police-Special Action Force Company (PNP-SAF).
Interaksyon File Photo

DINALUPIHAN, Bataan, Philippines — Isa ang patay sa panig ng mga rebeldeng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-Sandatahang Unit Propaganda (CPP-NPA-SUP) matapos makaengkuwentro ng militar at pulisya nang umatake ang nasabing grupo sa Sitio Pintong Bakal, Barangay Pinulot, Dinalupihan, Bataan kamakalawa.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa tanggapan ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col.Emil Dela Cruz, dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang engkuwentro.

Tinatayang nasa 20 na miyembro umano ng Komiteng Larangang Gerilya (KLG) West-South Party Committee (SPC) ang nakasagupa ng Strategic Air Command (SAC) ng Armed Forces of the Philippines habang nagsilbing blocking force ang Phi­lippine National Police-Special Action Force Company (PNP-SAF).

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng na­rekober na katawan ng napaslang na rebelde sa naganap na sagupaan.

Narekober din sa encounter site ang isang mahabang armas na ginamit sa pakikipaglaban ng mga rebelde sa mga otoridad, isang handheld radio at isang bandolier.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with