Birthday celebrant pinatay sa harap ng nobya

Kinilala ng San Mateo Police ang biktima na si Jay-r Caballes, 25, at residente ng Barangay Daramuangan Norte sa nabanggit na bayan.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Patay ang isang binata, sa araw mismo ng kanyang kaarawan matapos pagbabarilin sa harapan ng kanyang nobya ng hindi pa naki­kilalang mga suspek sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng San Mateo Police ang biktima na si Jay-r Caballes, 25, at residente ng Barangay Daramuangan Norte sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, matapos ipagdiwang ng biktima ang kanyang kaarawan sa bahay ng kanyang lola ay nagpasya umano siyang tumambay muna sa isang irigasyon kasama ang kasintahan, bago umuwi sa kanilang ta­hanan.

Dito na umano biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki at agad na binaril nang malapitan ang biktima na napuruhan sa kanyang kaliwang mata.

Gayunman, agad na isinugod ang biktima sa pagamutan subalit idi­neklara na dead-on-arrival.

Show comments