_ngayon
^
Kapitana, 3 pa todas sa dinamita!
Kinilala ang mga nasawi na si Kapitana Lina Boco Recto, MacMac Dela Cruz, Ronelyn Bulala at Aisa Sese na halos hindi makilala dahil sa matinding sugat at pagkasunog ng kanilang katawan.
STAR/ File

Kapitana, 3 pa todas sa dinamita!

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

7 pa sugatan

BALUD, Masbate , Philippines — Apat katao ang patay kabilang ang isang barangay chairwoman habang pito ang nasugatan kasama ang dalawang paslit matapos sumabog ang isang dinamita sa bahay ng kapitana sa Brgy. Pajo ng bayang ito kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na si Kapitana Lina Boco Recto, MacMac Dela Cruz, Ronelyn Bulala at Aisa Sese na halos hindi makilala dahil sa matinding sugat at pagkasunog ng kanilang katawan.

Nilalapatan naman nang lunas ang pito pang biktima na nakilalang si Ruel Chavez Henticay, 26; Leonard Recto Amistoso, 42; Tessie Villaruel Badahos, 59; Junvin Villaruel Badahos, 24; isang John Paul, 12, batang itinago sa pangalang Chris, 7, at isang nakilala lang sa pangalang Ivan, 20-anyos.

Sa ulat ni PRO5 regional director Brig. Gen. Jonel Estomo, dakong alas-12:55 ng hapon sa hindi pa malinaw na dahilan ay biglang sumabog ang dinamita sa bahay mismo ng kapitana na si Recto.

Sa tindi nang pagsabog ay dead-on-the spot ang apat na biktima habang sugatang isinugod ang pito sa Balud Municipal Hospital.

Sa lakas ng pagsabog ay nagiba ang buong bahay ng kapitana.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

 

LINA BOCO RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with