_ngayon
^

2 katao, nilamon ng ilog

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2021 - 12:00am

TUMAUINI, Isabela, Philippines — Dalawang katao kabilang ng isang 11-anyos na bata ang patuloy na pinaghahanap matapos malunod sa ilog ng Fugu, Abajo sa bayan na ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jayson Buraga, 11, Grade 6 at residente ng Barangay Fermeldy at Peter Baguno, 42, residente ng Barangay Cañogan,Sto.Tomas sa lalawigang ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:00 ng ­umaga ay unang nalunod si Bu­raga kung kaya’t agad sumaklolo si Baguno, su­balit maging siya ay nilamon din ng malakas na agos ng ilog.

Agad nagsagawa ng search and rescue ang mga miyembro ng Bagong PAG-ASA Rescue Group, Rescue 811 ng Tumauini at iba pang mga indibiduwal,subalit nabigo silang matagpuan ang dalawang biktima.

PATAY RIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with