_ngayon
^

3 ‘most wanted’ natimbog

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong most wanted sa batas ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa magkakahiwalay na manhunt operations sa Negros Oriental, Davao del Sur at Negros Occidental  kamakalawa.

Sa report na tinanggap ni PNP-CIDG Director P/ Major Gen. Albert Ignatius Ferro ang wan­ted na si Porferio Tubog, 71, ay inaresto ng CIDG Field Unit sa Dumaguete City, Negros Oriental sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng 44 counts ng paglabag sa General Banking Act of 2000 at may nakalaang piyansang P60,000 kada kaso o kabuuang P1,640,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Sa isinagawang operasyon sa Zone 3 Digos City, Davao del Sur, nasakote rin ng Davao del Sur Provincial Field Unit 11 ang most wanted na si Mark Kenneth Gomez sa kasong murder.

Sa isa pang operasyon, nabitag si Romeo Panaguiton, 71-anyos, sa Purok 6, Brgy. La Granja, La Carlota City  sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o illegal gambling at walang inirekomendang piyansa para rito.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with