_ngayon
^
Bangka na may kargang Sinovac vaccine, lumubog
Tiniyak naman ng mga awtoridad na hindi magkakaaberya ang mga Sinovac vaccine na sakay ng lumubog na bangka at maingat din itong nailipat hanggang sa nai-deliver na ito kahapon sa mga island municipalities ng Polilio at Burdeos.
AFP/Lillian Suwanrumpha

Bangka na may kargang Sinovac vaccine, lumubog

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

Bumangga sa konkretong poste, 5 nasagip

REAL, Quezon, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang limang crew ng isang bangka na may kargang COVID-19 vaccine na dadalhin sa Polilio Group of Islands (POGI) makaraang makalipat agad sila sa isang nagdaraang motorized banca kasama ang mga bakuna sa Port of Real na sakop ng Barangay Ungos kamakalawa ng umaga.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na hindi magkakaaberya ang mga Sinovac vaccine na sakay ng lumubog na bangka at maingat din itong nailipat hanggang sa nai-deliver na ito kahapon sa mga island municipalities ng Polilio at Burdeos.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga kamakalawa ay kaaalis lang sa pantalan ang bangkang ino-operate ni Prudencio San Jose ng Polilio, Quezon at sakay ang dalawang pulis na sina P/Chief Master Sgt. Magno Langkay at P/Staff Sgt. Americo Ferreras at dalawang kawani ng Department of Health (DOH-Calabarzon) na sina Romantic Lopez at Eduardo Alonzo upang ideliver ang naturang mga bakuna nang bu­mangga sila sa naka­tayong konkretong poste sa karagatan.

Mabilis na napasok ng tubig dagat ang bangka at bago ito tuluyang lumubog ay tiyempo namang may dumaraan na motor banca at agad silang nasagip dala ang mga bakuna.

COVID-19 VACCINE SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with