^

Probinsiya

2 ‘wanted’ sa kasong robbery timbog

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines —  Nalambat ng mga tauhan ng Olongapo City Police Office ang dalawang wan­ted person sa magkahiwalay na manhunt operation kamakalawa sa lungsod na ito

Kinilala ng pulisya ang unang naaresto na si Ar Jhay De Jesus, 19-anyos, binata at residente ng Tabacuhan St, Barangay Sta. Rita, Olongapo City. Siya ay dinakip base sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Rosalinda Roxas Jungco-Abrigo, Presiding Judge ng Third Judicial Region MTCC Branch 3 sa Olongapo City sa kasong robbery.

Arestado rin ng pulisya ang kasamahan ni De Jesus­ na si Ryan Alcantara, 20-anyos, binata na kabilang umano sa “Most Wanted Person” sa lungsod para sa kaparehong kaso.

Ang dalawang naarestong suspek ay sangkot umano sa pagnanakaw sa isang pribadong gusali sa lungsod. Nagrekomenda ang korte ng halagang P18,000 na piyansa para sa pansamantalang kala­yaan ng dalawang nadakip.

 

vuukle comment

AR JHAY DE JESUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with