_ngayon
^
Bangkay ng babae nadiskubre sa garbage bag
Ayon sa LLanera Police, itinawag sa kanila ni Brgy. Captain Jun Villanada ang natagpuang naaagnas na katawan ng babae sa loob ng itim na garbage bag matapos na ito ay madiskubre ng tanod na si Hernando Hipolito, 41, ng naturang barangay.
STAR/ File

Bangkay ng babae nadiskubre sa garbage bag

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Hinihinalang biktima ng rape-slay

LLANERA, Nueva Ecija , Philippines — Isang naaagnas na bangkay ng isang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa at pagpatay ang natagpuan na nakasilid sa isang itim na garbage bag ang natagpuan ng isang barangay tanod sa Barangay Casile ng bayang ito noong Sabado ng umaga.

Ayon sa LLanera Police, itinawag sa kanila ni Brgy. Captain Jun Villanada ang natagpuang naaagnas na katawan ng babae sa loob ng itim na garbage bag matapos na ito ay madiskubre ng tanod na si Hernando Hipolito, 41, ng naturang barangay.

Nabatid sa ulat na pasado alas-9 ng umaga habang abala sa paglilinis ng drainage at gilid ng kalsada si Hipolito ay halos masuka na umano siya nang malanghap ang isang nakasusulasok na amoy. Hinanap umano niya iyon at napagtanto na nanggagaling ito sa itim na garbage bag na nasa road shoulder at dito na umano siya humingi ng tulong kay Kapitan Villanada na humingi ng responde sa pulisya.

Agad namang dumating ang mga pulis at nang kanilang tingnan ang loob ng bargabe bag ay tumambad sa kanila ang isang medium built na katawan ng babae na nasa advanced stage of decomposition na.

Inilarawan din na nasa 35-40 umano ang edad nito, nakasuot lang ng bra at shorts at walang pang itaas na damit, ayon sa ulat.

Hindi umano residente sa nasabing lugar ang biktima at maaaring sa ibang lugar umano ito pinatay at doon lamang itinapon, ayon pa sa pulisya.

CASILE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with