_ngayon
^
Zamboanga City nasa MECQ na; Tacloban City, MGCQ
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang apela ng Zamboanga City na mailagay ito sa MECQ mula kahapon hanggang ika-14 ng Mayo.
Geremy Pintolo

Zamboanga City nasa MECQ na; Tacloban City, MGCQ

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa mo­dified enhanced com­mu­nity quarantine (MECQ) ang Zamboanga City at sa mas maluwag na mo­dified general community quarantine (MGCQ) ang Tacloban, ayon sa Malacañang kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang apela ng Zamboanga City na mailagay ito sa MECQ mula kahapon hanggang ika-14 ng Mayo.

Mismong ang Tacloban City din ang uma­pela na mailagay sa MGCQ na dapat sana ay nasa general community qua­rantine (GCQ) hanggang Mayo 30, 2021.

“Inaprubahan din po ng IATF ang apela ng Tacloban City na mapasailalim po sa Modified General Community Qua­rantine or MGCQ.

Ito naman po ay effective immediately at tatagal hanggang Mayo a-treinta’y uno ng taong ito,” dagdag ni Roque.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with