_ngayon
^

University director dedo sa truck

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

BATAAN , Philippines — Patay ang director ng Peninsula State University (BPSU) matapos na magmistulang latang nagkandayupi-yupi ang kanyang sinasak­yang Sports Utility Vehicle sa isang aksidente dito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-spot ang biktima na si Jose Paulo Tuazon matapos sumalpok ang minamaneho nitong SUV sa isang kumakaliwang dump truck sa Roman Expressway sa Barangay Laon, Abucay ng lalawigang ito

Sa ulat, hindi na nagawang makapagpreno ng Toyota Revo na minamaneho ng biktima makaraang mabulaga sa trak (TQU-224) na minamaneho ng isang Alvin De Leon.

Galing umano sa isang birthday party ang biktima sa BPSU Abucay at pauwi na ng Balanga City nang maganap ang aksidente.

Hawak na ng pulisya ang driver ng trak na nahaharap sa kaukulang kaso.

ALVIN DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with