_ngayon
^

21-anyos bebot pinabulagta sa loob ng bahay

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

JUBAN, Sorsogon, Philippines — Duguang bumulagta sa harap mismo ng kanyang kinakasama ang isang 21-anyos na babae matapos na pasukin sila sa loob ng bahay at pag­babarilin ng tatlong hindi nakilalang gunmen sa Brgy. Catanusan ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang katawan at agad nasawi ang biktimang si Angeline Hipanto Hinga. Hindi naman nakilala ang mga suspek na mabilis na nakatakas.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi habang nasa kanilang bahay ang biktima at ka live-in nito na si Nelson Espinar Forlaje nang biglang pumasok ang tatlong suspek.

Sa hindi malamang dahilan isa sa tatlo ang bumunot ng baril at walang kaabog-abog na pinagbabaril sa katawan ang biktima na agarang namatay. Hindi naman idinamay sa pamamaril ang kinakasama ng mga suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng Kalibre 45 pistola.

ANGELINE HIPANTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with