_ngayon
^

15 sundalo tinamaan ng COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Hinugot mula sa kanayunan ang 15 sundalo ng Philippine Army matapos silang tamaan ng hindi bala kundi CO­VID-19 sa Alcala, Cagayan noong Lunes.

Sa social media advisory ng lokal na pamahalaan, ang mga sundalong tinamaan ng virus ay mula sa 112 bilang ng kanilang hanay sa 77th Army Battalion na sumailalim sa mass swab testing noong nakaraang linggo.

Wala naman umanong nakasa­la­muha ang mga sundalo sa komunidad­ dahil dati na silang isinailalim sa iso­lation­ sa kanilang kampo sa Barangay Piggatan bago sila isinailalim sa pag­susuri.

Noong nakaraang Pebrero, lima lamang sa 100 na kawal na suma­ilalim sa mass testing ang nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, ibinalita ni Alcala Mayor Christine Antonio na nakarekober na lahat ang 24 medical personnel ng kanilang Municipal Hospital na nagpositibo sa COVID-19 noong Abril 7.

Ang Alcala ay mayroong 57 active COVID-19 cases. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with