^

Probinsiya

Suspek sa panghahalay ng 3-anyos, utas kay hepe

Pilipino Star Ngayon
Suspek sa panghahalay ng 3-anyos, utas kay hepe
Patay agad si Delmar Cadiente, 31, matapos siyang gantihan ng putok ni P/Captain Jet Sayno, hepe ng Solano Police Station.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Bulagta mismo sa hepe ng pulisya ang isang tricycle driver na umano’y inaresto sa panghahalay ng 3-anyos na nene ma­tapos mang-agaw ng baril at manlaban sa loob ng Police Station ng Solano,  Nueva Viscaya noong Sabado.

Patay agad si Delmar Cadiente, 31, matapos siyang gantihan ng putok ni P/Captain Jet Sayno, hepe ng Solano Police Station.

Nabatid na sumasa­ilalim sa booking procedure si Cadiente nang inagaw umano nito ang baril ng katabing pulis saka nagpaputok dakong ala-una ng hapon.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na dinam­pot ng awtoridad si Cadiente sa kanyang bahay sa Barangay Osmeña isang oras matapos siyang ireklamo ng ina ng bata na umano’y namamaga ang ari dahil sa ginawang panggagahasa.

Nabatid na kasera ni Cadiente ang mag-ina sa inuupahan niyang kuwarto kung saan nito diumano sinasalisihan ang bata na minomolestya.

Isinuko ni Sayno at ang police escort ang kani-kanilang service 9mm pistol sa Scene of the Crime investigators para sa kaukulang ballistic examination upang mabatid kung may foul play sa insidente.

vuukle comment

JET SAYNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with