67-anyos Austrian tiklo sa buy-bust

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang 67-anyos na Austrian national matapos na maaresto sa ginawang buy-bust operation ng mga pulis sa tinutuluyang apartelle sa 76 Zone-3, Brgy. San Felipe ng lunsod na ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ang suspek na si Franz Natter, residente ng nasabing lugar at kasama sa itinuturing na high value individual.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi inilatag ng mga tauhan ng Naga City Police Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit 5 at Regional Special Operation Unit 5 ang buy-bust operation sa mismong tinutuluyan ng nasabing dayuhan sa Room 10 ng Val and Fannie Apartelle.

Nang i-abot ng suspek sa poseur buyer na pulis ang biniling isang sachet ng shabu na may timbang na 5-gramo at nagkakahalaga ng P15,000 ay agad siyang inaresto.

Show comments