^
âWaiver ayudaâ sa Bulacan inulan ng reklamo
Pinapipirma ng pamahalaang lungsod ng San Jose del Monte City, Bulacan ng "waiver" ang mga benepisyaryo ng P1,000 ECQ lockdown ayuda sa NCR Plus bubble, ika-16 ng Abril, 2021
News5/Rommel Lopez

‘Waiver ayuda’ sa Bulacan inulan ng reklamo

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Dinagsa ng reklamo ang pamamahagi ng ayuda sa siyudad na ito matapos na karamihan sa mga benepisyaryo o nakakuha ng ayuda ay pinapirma ng “waiver”.

Ang nakalagay sa pipirmahang waiver ng mga kumukuha ng ayuda ay ”Sumasang-ayon ako sa halagang isang libong piso na makukuha kong ayuda at hindi ako mag-rereklamo sa natanggap kong ayuda”.

Ayon kay dating Kap ng Brgy. Sta. Cruz 5, CSJDM Maximo Tolentino, sa 59 Barangays na sakop ng siyudad ng San Jose del Monte, halos kalahati ng nasabing bilang ay inirereklamo ang pamamahagi ng ayudang nagmula sa National Government.

Sa 21 bayan at tatlong siyudad sa Bulacan, pinakamalaki ang tinanggap na ayuda ng nasabing siyudad na umabot sa halagang P596.9 milyon dahil nasa halos 2-milyon ang populasyon ng San Jose del Monte City (SJDM).

Ang nakapagtataka lang umano, ayon kay Tolentino, P1,000 lang umano ang natatanggap ng bawat isang pamilya at pinapipirma pa umano ng waiver ng barangay.

Karamihan sa mga nagrereklamo ay mula sa Barangay ng Sta. Cruz 1 hanggang 5, sa Brgy. Area A hanggang D, at sa iba pang mga barangay.

Malinaw na malinaw umano na kinukurakot ng ilang mga tiwaling opisyal ng barangay at maging ng Pamahalaang Lungsod ang nasabing pamamahagi ng ayuda.

Nananawagan ang mga concerned group sa nasabing siyudad kay Pangulong Rodrigo Duterto na imbestigahan ang “waiver ayuda” o maanomalyang pamamahagi ng ayuda na nagaganap sa nasabing lungsod.

AYUDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with