^

Lady online seller utas sa ambush

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang babaeng online seller na lulan ng kolong-kolong na tricycle makaraang tambangan at barilin ng riding-in-tandem sa Purok Acacia, Brgy. Pangatian ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo­, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Joan Santos­, 32, may-asawa ng Purok 5, Brgy. Bantug Norte, Cabanatuan City, na agad na nasawi sa insidente dahil sa tama ng punglo sa ulo.

Sa imbestigasyon, alas-6:20 ng gabi noong Linggo habang pauwi na ang biktima at minamaneho ang kolong-kolong na traysikel kasama ang kanyang pinsan na si John Paul de Guzman, nang bigla umano silang dikitan ng dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Sa puntong iyon ay bigla na lang umanong bi­naril­ sa ulo ang biktima ng naka-angkas na suspek. Hindi naman binaril ng suspek ang nanginginig sa takot na pinsan ng biktima.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa nasabing pananambang.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with